Tagalog (Filipino)
Polyeto ng Iskema ng Voucher para sa Pangangalaga sa Kalusugan ng Matanda
Pamagat:
Polyeto ng Iskema ng Voucher para sa Pangangalaga sa Kalusugan ng Matanda
Telepono ng Iskema:
2838 2311
Upang makita ang balanse ng voucher:
2838 0511
Mga Highlight
Ang Iskema ng Voucher para sa Pangangalaga sa Kalusugan ng Matanda ay ipinatupad noong ika-1 ng Enero, 2009 upang magbigay ng subsidiya para sa mga matatanda upang tumanggap ng pribadong serbisyo para sa pangunahing pangangalaga sa kalusugan na pinaka-epektibo sa kanilang pangangailangan sa pangkalusugan.
Ang matatandang mga tao na edad 65 o pataas at mayroong balidong Hong Kong ID o Sertipiko ng Iksemsyon na ibinigay ng Departamento ng Immigrasyon, maliban na lamang sa mga tao na nagkaroon ng Hong Kong ID sa pamamagitan ng nakaraang pahintulot na pumasok o manatili sa Hong Kong na ibiigay sa kanya at ang naturang pahintulot ay tapos na at hindi na balido, ay kwalipikadong tumanggap at gumamit ng mga voucher upang magbayad para sa pribadong serbisyo para sa pangunahing pangangalaga sa pangkalusugan. Hindi kinakailangang magparehistro, kumolekta o magdala ng mga voucher.
Ang taunang presyo ng voucher ang nakalaan sa bawat kwalipikadong matandang tao ay $2,000.
Ang limitasyon ng naipon na voucher ay $8,000. Ang kota ng voucher na maaaring gastusin para sa serbisyo para sa mata ay hanggang $2,000 lamang kada dalawang taon.
Anong klase ng serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan ang maaaring magamitan ng mga voucher?
Ang mga voucher ay maaaring magamit na pambayad sa serbisyo ng pangunahing pangangalaga ng kalusugan na ibinibigay ng mga sumusunod na pribadong propesyunal sa pangangalaga ng kalusugan na nakalista sa Iskema:
- Rehistradong Nagsasanay ng Medikal
- Rehistradong Nagsasanay ng Medikal Pang-Tsino
- Rehistradong Dentista
- Rehistradong Kirpraktor
- Rehistradong mga Nars, mga Nakalistang Nars
- Rehistradong Physiotherapist
- Rehistradong Propesyunal na Therapist
- Rehistradong Radyograper
- Rehistradong Kawani ng Medikal na Laboratoryo
- Rehistradong Optometrist sa Unang Bahagi ng Rehistro
Rehistrado na may makabuluhang propesyonal na katawan ng pangangalaga sa kalusugan na akreditado sa ilalim ng Akreditadong Iskema ng Pagrerehistro para sa mga Propesyon sa Pangangalaga sa Kalusugan ng Pamahalaan:
- Mga Audiologist
- Mga Dalubhasa sa Pagkain
- Mga Klinikal na Sikologo
- Mga Terapista sa Pagsasalita
Maaari ko bang gamitin ang aking mga voucher para sa mga serbisyong hindi para sa paggamot?
Karagdagan pa sa mga serbisyong paggaling, maaari mo ring gamitin ang mga voucher sa iba pang serbisyo sa pribadong pangunahing pangangalaga ng pangkalusugan kasama na ang serbisyo paras rehabilitasyon at pangangalaga sa pagkontra ng sakit, tulad ng naaayong pagtatasa sa kalusugan at pagsusuri sa ngipin. Subalit, sa paggamit ng mga voucher, ang mga naturang pangangailangan ay kailangan maobserbahan:
- Ang mga voucher ay hindi maaaring tubusin para sa pera o gamitin para lamang sa pagbili ng mga produkto tulad ng gamot, salamin, pinatuyong pagkaing-dagat, personal na kagamitan, mga pagkain o kagamitang pang-medikal. Hindi rin maaaring gamitin ang mga voucher upang pang-upa ng kawani.
- Maliban na lamang kung binanggit, ang mga voucher ay hindi maaaring gamitin para sa mga pampublikong serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan na may subsidiya mula sa Pamahalaan (kabilang na ang mga serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan kung saan ang Otoridad ng Ospital ay bumibili mula sa mga pampublikong sector, hal. Programa ng Pagtutulungang Pampubliko-Pangpribado ng mga Pangkalakahatang Klinika para sa mga Pasyenteng Hindi Kailangan Manatili sa Ospital)
- Ang mga voucher ay hindi maaaring gamitin para sa serbisyo para sa mga pasyenteng kailangan manatili sa ospital, serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan na may prepaid na bayad, at mga proseso ng pag-oopera na pang-isang araw lamang, tulad ng pag-oopera sa katarata o endoscopy.
- Matatandang mga tao ay dapat matanggap ang pangangalaga sa kalusugan na mga serbisyo nang personal na ibinibigay ng mga tagapagbigay ng serbisyo na nakikisali sa Iskema bago nila magamit ang mga voucher para mabayaran ang makabuluhang mga bayarin sa serbisyo.
- Ang kabuuang halagang nagastos sa bawat paggamit ng voucher ay hindi lalampas sa halaga ng serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan na ibinigay sa naturang pagkakataon.
Paano ko makokolekta at magagamit ang mga voucher?
Hindi mo kailangang mangolekta ng ng mga voucher ng maaga. Ang mga kwalipikadong matatandang mga tao ay maaaring gamitin ang mga voucher sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sumusunod na simpleng hakbang:
- (1) Ipakita ang iyong balidong Hong Kong ID o Sertipika ng Pagbubukod sa Tagapagbigay ng Serbisyo ng Pangangalaga ng Kalusugan na kabilang sa Iskema (Ang logo ng Iskema ay nakapaskil sa kanilang klinika o lugar ng serbisyo) at sabihin nan ais mong gamitin ang iyoung mga voucher. Alalahanin na hindi mo maaaring gamitin ang voucher kung hindi ka makakapagbigay ng balidong dokumento ng pagkakakilanlan.
Maaari mong pasimpleng ipasok ang iyong Hong Kong ID sa Smart na Mambabasa ng Kard na Pagkakakilanlan at ang kagamitan ay babasahin ang mga kailangang personal na data para magamit ang iyong voucher. - (2) Kung ikaw ay gagamit ng voucher sa unang pagkakataon, ang tagapagbigay ng serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan ay gagawa ng personal na account ng voucher para sa iyo. Ayon sa taon kung kalian ka nagging kwalipikado upang gumamit ng mga voucher, ang naturing kabuuang presyo ng voucher ay idedeposito sa iyong account. Hindi ka dapat singilin ng tagapagbigay ng serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan para sa paggawa ng iyong account.
- (3) Pagkatapos tumanggap ng serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan nang personal, kailangan mong intindihin at sumang-ayon sa halaga ng voucher na gagamitin. Ang tagapagbigay serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan ay kailangang magbigay ng dokumento para sa iyo at bibigyan ka ng kopya ng “Paunawa sa Paggamit ng Voucher para sa Pangangalaga ng Kalusugan” na may na-update na balanse ng voucher sa iyong account.
Paano ko malalaman na ang isang tagabigay ng serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan ay nakalista sa Iskema?
Ang mga tagabigay ng serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan na nakikisali sa Iskema ay ipapakita ang Logo ng Iskema sa kanilang mga klinika o mga lugar ng serbisyo para sa madaling pagkakakilanlan.
Maaari mo ding i-browse ang website ng Iskema sa www.hcv.gov.hk para makuha ang listahan ng mga tagabigay ng serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan na nakalista sa Iskema. Mga miyembro ng pamilya o mga tagapag-alaga ay maaari ding mag-alok ng tulong.
Paano ko masusuri ang balance ng aking voucher?
Kung mayroon ka nang nagawang account para sa iyong voucher, ikaw o ang iyong mga kamag anak/kaibigan na iyong binigyan ng otoridad ay maaaring suriin ang mga sumusunod na website ng Iskema sa www.hcv.gov.hk o sa telepono ng hotline para sa pagtatanong ng balance ng sa 2838 0511 sa pamamagitan ng pagbibigay ng numero ng iyong Hong Kong ID at araw ng iyong kapanganakan: ang balanse ng iyong voucher, ang halaga ng voucher na maaaring gamitin para sa serbisyo sa pagpapatingin ng mata, halaga ng voucher na maaaring ideposito sa iyong account at ang halaga ng voucher na inaasahang mawala dahil ang limitasyon ng akumulasyon ay lumampas na sa ika-1 ng Enero ng susunod na taon (limitasyon ng akumulasyon ng voucher ay $8,000), atbp.
Ikaw o ang iyong mga kamag-anak/ kaibigan na pinahintulutan mo ay maaari ding gamitin ang “醫健通eHealth” na App para tingnan ang kasaysayan ng transaksyon at ang balanse ng voucher.
Mangyaring tumukoy sa “Paunawa para sa Paggamit ng Voucher Para sa Pangangalaga ng Kalusugan” na natanggap mula sa tagapagbigay ng serbisyo sa pangangalaga sa Kalusugan sa iyong huling konsultasyon.
Mayroon bang limitasyon ang halaga ng voucher na maaaring gamitin sa bawat panahong tumatanggap ako ng serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan?
Simula 2019, ang halaga ng mga voucher na maaaring gastusin ng bawat kwalipikadong matandang tao para sa serbisyo para sa pagpapagamot ng mata ay hanggang $2,000 ang pinakamataas na sa kada dalawang taon (Kwota). Ang pagsasaayos sa itaas ay upang mapahintulutang ang mga matatandang tao ng pag-aangkop na magamit ang serbisyo para sa pagpapagamot ng mata habang nagpapanatili ng disenteng balance para magamit sa iba pang serbisyo para sa pangunahing pangangalaga ng kalusugan. Ang halaga ng voucher na gagamitin para sa serbisyo ng pagpapagamot ng mata ay depende sa natitirang halaga ng balanse ng voucher ng matandang tao, natitirang halaga ng kwota at sa kanyang kahilingan.
Maliban sa mga nabanggit sa taas, walang limitasyon sa halaga ng voucher na maaaring magamit sa bawat oras pagkatapos magamit ang serbisyo ng pangangalaga ng kalusugan, ngunit ito ay HINDI lalampas ng halaga ng serbisto ng pangangalaga ng kalusugan sa naturang panahon.
Mayroon bang limitasyon ng akumulasyon na para sa halaga ng mg a voucher na hindi nagamit na naipon sa aking account? Mayroon bang araw ng pagtatapos para sa halaga ng voucher?
Sa ika-1 ng Enero sa bawat taon, ang halaga ng voucher na ikaw ay kwalipikadong matanggap para sa taong iyon ay awtomatikong idedeposito sa account ng iyong voucher. Ang halaga ng voucher na hindi nagamit mula sa mga nakaraang taon ay maaaring pang magamit dahil wala itong araw ng pagtatapos, ngunit mayroon itong limitasyon ng akumulasyon ng $8,000. Sa ibang salita, ang kabuuang halaga ng voucher na natanggap ng kwalipikadong matandang tao para sa taon kasama na ang kabuuang halaga ng voucher na hindi nagamit na naidala sa sumunod na taon mula sa mga nakaraang taon ay hindi maaaring lumampas sa limitasyon ng akumulasyon na $8,000.
Para sa anu mang halaga ng voucher na lalampas sa limitasyon ng akumulasyon ay mawawalang-halaga, ikaw ay hinihikayat na planuhing Mabuti at gamitin ng tama ang mga voucher upang sila ay magamit sa serbisyo para sa pribadong pangunahing pangangalaga ng kalusugan na pinakanaaangkop sa iyong pangangailangan.
Iba Pang Impormasyon
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Iskema ng Voucher para sa Pangangalaga ng Kalusugan ng Matatanda, bumisita sa website ng Iskema sa www.hcv.gov.hk o tumawag sa 2838 2311.
(December 2023)
"Scan QR Code" in WeChat and tap "..." to share.